Handa raw magparaya si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr sa vice presidential race sa 2010 polls para sa dalawang kapwa artistang matunog din ang pangalan sa naturang posisyon. Sa Chika Minute portion ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabi ng host ng “Kap’s Amazing Stories” na napapanood sa Kapuso Network na aalamin pa raw nya ang pulso ng mga mamamayan.
Ngunit kung tutuloy din sa pagtakbo ang mga kapwa artistang sina Sen. Jinggoy Estrada at Batangas Gov. Vilma Santos, sinabi ni Bong na handa siyang umatras at tatakbo na lamang muli para sa isa pang termino bilang senador.
“Kung talagang may clamor that’s the time for me to decide if ill run or not (as vice president). If Senator Jinggoy wants to run for vice president I’m willing to give way… same thing with Gov. V (Santos),” paliwanag ng actor-politician.
Wala pa namang opisyal na pahayag sina Jinggoy at Vilma kung interesado silang umakyat sa mas mataas na posisyon sa 2010 elections. - GMANews.TV
0 Comments:
Post a Comment