Tila nagiging tradisyon na nga ni Dingdog Dantes at ng kanyang pamilya na mag-spend ng holidays sa Boracay. Nagkataon naman na may mga crew rin ang Startalk sa Bora kung kaya't nakausap nila si Dingdong during his vacation with his family at Boracay right after Christmas and just before New Year's day.
Ayon nga kay Dingdong, "Masaya! It's my second year na kasama ko sila rito and it's getting better. I'm always inspired, especially by them, kaya nga kapag ganitong okasyon, nakaka-engganyo, because you know, at the end of working so hard the whole year, ito ang nilu-look forward ko. Yung makasama sila at mag-enjoy kami rito ng sabay-sabay."
2008 was a very good year for Dingdong. Ngayong 2009, ano nga ba ang mga plano naman niya?
"Ngayong 2009, pareho ng 2008, gusto ko lang mag-relax. Ayokong magpa-pressure sa sarili ko. Pero siyempre sa ngayon, I would like to do better this year. Sa lahat ng mga gagawin ko and hopefully, more movies and I'm very excited with our upcoming show with Marian [Rivera], yung Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang.
"At ito, ‘last hurrah' ko na ‘to, pagdating sa Manila , puro trabaho na."
Hindi maikakailang pinag-usapan nang husto ang hiwalayan nila ni Karylle. Ano naman kaya ang reaction ni Dingdong na nali-link naman daw ngayon ang kanyang former girlfriend kay Jericho Rosales?
"No, I don't wanna comment about that. Unang-una, wala na naman kami. At saka, we have our own lives. So, I wish her luck."
As for Dingdong, posible rin kayang makatagpo na siya ng bagong pag-ibig ngayong 2009 ngayong mukhang naka-move on na rin naman ang kanyang ex?
"Ako, I'd like to... siguro, to be this way hanggang...masaya naman ako, e. Lahat ng mga kasama ko sa buhay ngayon, masaya ‘ko. Masaya ‘ko sa mga katrabaho ko. Sa pamilya, so, I would like to keep it this way.
"Ako kasi, I believe na makakahanap din kami ng mga taong nararapat para sa amin. So, maaaring hindi kaagad, pero, alam ko na darating yun."
Posible raw kaya na si Marian na ang taong nararapat para sa kanya?
"Sa amin kasi, gusto naming i-maintain kung anuman yung nasimulan namin, e. Because magkatrabaho kami at ayaw naming lagyan ng kahit na anong bahid na personal anything dahil this is work for us."
0 Comments:
Post a Comment