It's a new year, and just like ordinary people, stars also come up with their own new year's resolutions and promises to try their best to commit to it.
Rainier Castillo. "Hindi na ako magkakagat ng kuko. Lessen DOTA."
Alex Castro. "Mas maximize ko yung mga free time ko with my family. Sa politics and sa showbiz, medyo di mo hawak ang time mo. Minsan din napapansin mawawalan ka na pala ng time sa parents and mga kapatid mo. Yung free time ko gusto ko kasama ko sila. Last year kasi madalas di ko sila nakakasama lagi ako wala sa bahay."
Glaiza de Castro. "I'll sleep early and wake up early. Mas maraming magaganda at productive na nangyayari sa umaga. Spend less and prioritize. No to compulsive buying, hindi na ako bibili ng mga bagay na hindi talaga kailangan. And to be more spiritual. To spend more time to know the Lord deeper and start doing things for His glory."
Angelika dela Cruz. "I will give more time to my family. Aalagaan kong mabuti ang baby ko."
Alessandra de Rossi. "As usual, hindi na ako magpapautang, ha-ha-ha! Try ko naman sundin ang sarili ko this time. Family curse na yata sa amin na hindi marunong tumanggi kahit inaabuso na, pero try ko talaga. Gusto ko na kasi mag-ipon. Hirap kasi walang marunong magbalik ng inutang."
Joross Gamboa. "Ang lagi kong New Year's resolution is to change for the better para bawat taon, mas mabuti ako. Kailangan kada taon mahigitan ko ang sarili ko para mas masaya."
Nikki Gil. "Exciting ang 2009 sa akin. Lalo na after March kasi tapos na ako ng aking pag-aaral. I now will have more time to do what I couldn't do before because of school. Gusto kong mag-enroll sa dance class, voice class, hosting, acting workshops. Teka parang school na rin yun, ha. Siguro more on being physically fit. Faithfully go to my gym classes to lose the baby fats, healthy eating, learn to take all kinds of vitamins. Ayoko kasi ng vitamins pag hindi syrup kaya limited ang nati-take ko. May oras na rin ako siguro para sa aking puso, I wish I'll have more time for love."
Mark Herras. "Siguro pag may trabaho po kinabukasan di na ako magpupuyat. Mas gagalingan ko pa ang pag-arte."
Yasmien Kurdi. "Sana lang masunod ko... First I will not think twice sa paggawa ng third album ko dahil dedicated ko ito kay Marky [Cielo]. Makakasama yung duet namin sa lineup. Second, diet. Not just for my showbiz work, as well as for good health's sake. Being a vegetarian doesn't mean you will turn you into skin and bones, but it can help turn fats into muscles. And lastly I will not say no anymore to projects, especially, if it can help me win an award. Winning an award doesn't mean only sensual roles."
Ara Mina. "I'll be more focused in my career. In my personal life naman, I will learn to be more patient, understanding and forgiving instead of stressing myself, especially when it comes to intrigues, yung mga negative ones. I'll try my very best to handle things very well and be mature enough, though sa industry natin mahirap gawin but I can do it. Aminin natin o hindi, napakarami sa showbiz ang di natin alam kung sino ang totoo at sino ang hindi. As much as possible also, I'll try to avoid people na yung sa tingin kong may bad intention sa akin. We can feel that, we have instincts naman, e, right?"
Diether Ocampo. "Lumaya sa lahat ng negatibong pag-iisip. Lawakan ang punto de vista at maging matapang na harapin lahat ng pagsusubok."
Lovi Poe. "My New Year's resolution is to concentrate more on my work and to be closer to my family this year. I want to do more bonding with my family and to spend more quality time with my mom."
Rufa Mae Quinto. "Looking forward to an intrigue-free at away-free 2009."
Rafael Rosell. "To spread love and not hate. For the people who throw negativity around, just let them be. To not even try to fight the negativity but rather try to understand it. Let haters be haters and never even think of stooping down to their level. To keep more in touch with my nearest and dearest despite all the hectic schedules that come along the way. I'll make a better effort to take care of myself."
Dennis Trillo. "Nitong 2008 naging super busy ako sa pagtatrabaho at pagharap sa kung anu-anong issues at intriga. Pakiramdam ko napabayaan ko ang kalusugan ko kaya ang resolution ko, panatiliing healthy ang sarili ko at magsisipag na akong mag-workout at mag-exercise."
Jessa Zaragoza. "Goal ko talagang matanggal yung minsang nakasanayan ko na, ang pag-procrastinate in anything. Madala, nag-i-end up may masasayang na oras and pagkakataon. Sana talaga, hay naku, mabago ko yun. Siyempre and sana this year, yung mas disiplina pa talaga sa health and I want to really get back in shape. Di lang pumayat, sana maging fit pa talaga yung with long lean muscles para mas may lakas din ako doing my work and taking care of my family, especially, pag nasa U.S. kami na walang helper. I also want to make it a point to read the Bible every day, food for the soul ika nga."
0 Comments:
Post a Comment