"Masaya ka ba o malungkot?"
Tayo mga estudyante masaya kapag naririnig ang pangungusap na WALANG PASOK! Syempre para makapagpahinga pero ako parang nagdadalawang isip kung maging masaya ba ako o hindi. Malungkot ako kasi kailangan ko humabol sa mga quizzes namin atbp. Isa pang kinakalungkot ko e paano yung mga taong walang magandang bahay...sila yung unang pumapasok sa utak ko.
May isang tanong pumapasok sa utak ko: Bakit tayo matutuwa kung ang mga bagyong dumadaan sa atin ay ika-sisira ng kalikasan? Bakit tayo matutuwa kung ito rin kung dahilan ng pagkamatay ng ibang tao?
Dahil ba iniisip natin yung ating mga sarili? Porket may kaya na tayo..ibig sabihin ba nun na wala na tayong pake dun sa mga tao na mas mababa pa sa atin? May puso nga ba tao o wala? Sadyang ganito ba tayong mga estudyante? Tinuruan ba tayo mag-ugali ng ganito? Isipin niyo muna yung mga tanong na sinasabi ko...
0 Comments:
Post a Comment