Tuesday, December 30, 2008

Sarah Geronimo at age 20 feels she's still not ready to be wooed

Isang bonggang thanksgiving party ang ibinigay ni Sarah Geronimo at ng kanyang parents sa Villa Immaculada Restaurant sa Cabildo St., Port Area, Manila, kagabi, December 29. Pasasalamat daw iyon sa suporta kay Sarah ng dumalong mga entertainment press, kay Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment at sa ilang taga-agency na may hawak ng endorsements ni Sarah.



Gusto sana ni Sarah na magsaya na lamang ang mga bisita niya at huwag nang magtrabaho ang media, pero hindi pa rin sila pumayag at ang PEP (Philippine Entertainment Portal), na hindi makausap ang tinaguriang Pop Princess.



Kasalukuyang nagsu-shooting si Sarah ng sequel ng blockbuster movie nila ni John Lloyd Cruz na A Very Special Love. May title na daw ang part two na You Change My Life at si Direk Cathy Garcia-Molina muli ang kanilang direktor. Sa palagay ba niya, malalampasan ng bago nilang movie ang kinita ng A Very Special Love?



"Wish ko lang po na hindi man nito ma-surpass ang A Very Special Love, mapantayan man lang nito ang kinita ng una naming movie ni John Lloyd," nakangiting wika ni Sarah. "Bukas nga po [today, December 30], may shooting kami ni Lloydie at sana po ay ipagdasal ninyong matuloy na kami. May isa po kasing eksenang ilang beses nang hindi kami natutuloy mag-shooting dahil laging kaming inuulan."



Napahagikhik nang tawa si Sarah nang biruin siya ng mga kaharap na press na bakit hindi siya mag-sun dance tulad sa isang eksenang naging popular sa mga manonood ng A Very Special Love.



THE NEXT BOX-OFFICE QUEEN? Sa ngayon, nalalapit na naman ang taunang pagbibigay ng Box-Office King and Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation. Hinihintay na nga lang ang magiging box-office returns ng mga pelikulang naglalaban-laban sa Metro Manila Film Festival para malaman kung mayroong pelikulang kalahok dito na pwedeng maka-surpass sa kinita ng A Very Special Love. Sinasabing may gross income nang P 170 million to date ang pelikulang ito nina Sarah at John Lloyd. Tinanong ng PEP si Sarah kung ano kaya ang magiging feeling niya kung siya na ang tatanghaling Box Office Queen?



"Kung sa akin po nila ibibigay, salamat, kung hindi po naman, okey lang sa akin, dahil hindi ko po naman iyon ini-expect," nakangiti niyang sagot.



Biniro siya ng PEP na kung mangyari iyon, ka-level na niya sina Sharon Cuneta, Maricel Soriano at Ai-Ai delas Alas na pawang naging Box-Office Queens na.



"Wishing!" bungisngis ni Sarah.



LOVE LIFE. Last July 25, Sarah turned 20 years old, wala pa bang magandang balita tungkol sa kanyang love life? Wala na ba talagang pag-asa sa kanya si Mark Bautista na hindi naman inilihim noon na crush siya?



"Malay po natin, baka sa 2009, may magparamdam na," sagot ni Sarah. "Si Kuya Mark, alam po niya kung hanggang saan lang...pero hindi pa rin po natin masabi.



"Pero kung magkakaroon man po ako ng boyfriend, sana hindi po kapwa ko artista para malayo sa tukso."



Selosa ba si Sarah Geronimo?



"Ewan ko po, hindi ko pa po kasi nararanasan. Hindi ko rin po masabi kung masarap ang feeling kapag may boyfriend na ako. Baka po kapag 21 na ako. Natuwa po ako nang for the first time, nakatanggap ako ng flowers. Galing po iyon kay Rayver [Cruz] noong concert ko sa Araneta Coliseum, ipinadala niya before ng concert namin."



RAYVER'S CHANCES. Hindi ba na-link din sa kanya si Rayver? So ano ang naramdaman niya na kay Rayver galing ang flowers?



"Wala naman po, kasi noong una, akala ko po si Kuya Mark ang nagpadala. Nang malaman ko na galing kay Rayver, congratulatory lang po ang message niya para nga sa concert. Two-dozen red roses po yata iyon. Kaya lang dahil sa kaguluhan, hindi ko na po nalaman kung saan napunta."



Nagti-text ba sila ni Rayver after ng concert?



"Paminsan-minsan po. Noong Christmas, nag-text siya ng ‘Merry Christmas.' Maganda lang po sa amin ni Rayver, dahil lagi kaming magkasama sa ASAP, wala na po kaming ilangan. Friends na po kami."



Paano kung manligaw na sa kanya si Rayver?



"Hindi pa po yata ako ready na makipagligawan. Pero makipag-usap po sa kanya, okey lang sa akin," nakangiting wika ni Sarah. "Saka baka pwede niya akong turuang magsayaw kasi hindi po ako marunong magsayaw."



Paano kung umakyat nga ng ligaw si Rayver, okey ba sa kanya?



"Itatanong ko po muna sa mommy ko," at napahagikhik na naman si Sarah. "Nakita ko po kay Rayver na mabait siyang anak, mabait na tao, pure. ‘Tsaka magka-age kami at magkapareho ang interest namin."



BUSY, BUSY, BUSY. Tumawa na lang nang tumawa si Sarah sa mga tanong sa kanya na hindi na niya sinagot.



Biro ng PEP kay Sarah, paano nga siya magkakaroon ng time na makipag-boyfriend kung napaka-busy niya?



"Oo nga po, pagkatapos ng shooting namin ng You Changed My Life, magpu-promote na po kami ni John Lloyd dahil post-Valentine presentation po ito ng Star Cinema at Viva Films sa February 25, 2009.



"Sa March and April, may U.S. concert tour po ang The Next One concert ko with Kuya Mark, Charlie Green and Billy Crawford. Fourteen shows po iyon na magsisimula kami sa Guam, Honolulu, Stockton, San Francisco, Los Angeles, San Diego, Texas, Chicago, Seattle, Las Vegas, Reno, Washington, Florida and New Jersey.



"Pagbalik ko po rito, may four provincial tour naman ako by May. Baka po July, gawin ko na ang movie with my long-time crush. Excited na po ako, kay Piolo Pascual. September po naman may six shows ako sa Canada, then concert sa Araneta Coliseum by October or November. May dalawa rin po akong gagawing albums sa Viva Records, isang pop at isang Christmas album."



Ano ang New Year's wish niya?



"Happiness, more blessings, hindi po lang sa akin kundi sa lahat ng mga tao," nakangiting patapos ni Sarah.

0 Comments: