Sunday, January 4, 2009

Dr. Hayden Kho on what happened to his love life: "Naglaro ako sa apoy at napaso ako."

Dr. Hayden Kho on what happened to his love life: "Naglaro ako sa apoy at napaso ako."


Kahapon, January 3, sa Startalk, muling humarap si Dr. Hayden Kho sa dalawang hosts ng Startalk na sina Ricky Lo at Lolit Solis. Nag-back-to-back nga ang feature ng Startalk kay Hayden at kay Katrina Halili.

PLAY WITH FIRE AND YOU'LL GET BURNED. Unang tanong na ibinato ni Lolit kay Hayden ay kung talagang mahal na mahal niya si Dra. Vicki Belo, ano't nagawa raw ni Hayden ang magkaroon ng affair sa iba?

"Hindi ko po ano...aaminin ko po, bata po ako, pero, it's not an excuse. Bata po ako. Naglaro rin ako. Naglaro ako sa apoy at napaso ako."

THE REAL HAYDEN. Tinanong naman ni Ricky si Hayden kung puwede itong magkuwento about his family. That his dad was a doctor. His mother was a decent woman. Marami raw kasing hindi nakakaalam sa pagkatao ni Hayden.

"Well, thank you very much for asking me that question. Now, kahit papaano, puwede kong maipakilala yung tunay na Hayden Kho. Well, my dad is a practicing doctor at the Manila Doctors Hospital . He's a pure Chinese. His family hailed from Australia, then they went here. Nag-establish here. Nakilala niya ang mom ko who is from Marinduque. A half-Spanish and half-Filipina."

May mga nagsasabi kasi na napulot lang daw siya ni Dra, Belo sa kung saan lang.

Natatawa niyang sabi na, "Siguro po napulot niya ko sa PICC nang mag-graduate ako. Actually, bago po niya ‘ko makilala, doctor na po ako."

He was asked by the hosts kung ano ang feeling niya sa comments ng ibang tao na isa lamang siiyang bum and Dra. Vicki's boytoy?

"Actually, Manay Lolit, ano naman po, e, for the longest time, hindi po ako nagbabasa ng mga diyaryo. Hindi po ako nagbabasa ng mga comments."

So which are true and which are not true?



"Marami po, e...marami po..."

May sex video ba talaga ?


"Wala po talagang sex video. Papatunayan ko po sa inyo, wala pong sex video. Ang meron po kasi is video na nagsasalita yung tao. Face lang po."

FRIENDS TURNED AGAINST HIM. Throughout the interview, nakamasid lang daw sa isang tabi ang buthing ina naman ni Hayden na si Mrs. Irene dela Santa Kho. So, Ricky asked kung ang pamilya raw ba niya ay naapektuhan sa mga isyu?

"Baka hindi... Pero yung mom ko, she lost 6 pounds. Then, yung dad ko, 12 pounds in just two weeks."

Why did you try to hurt yourself, Lolit asked?

"Hindi naman po yun dahil sa isang problema lang. Ang dami na rin problema. May showbiz. May family. Problema namin ni Vicki. Problema namin ng mga kaibigan ko. Ang nangyari po kasi, may pumasok ng condo ko at kinuha na yung mga gamit. Kinuha yung hard drives ko, kinuha yung mga journals ko."

Before or after the incident?

"During...basta, pinagkaisahan na nila ‘ko. Yung mga barkada ko, supposedly. Parang conspiracy. May ginawa akong mali sa kanya, ngayon, bumawi siya sa akin."

Paano raw nakuha ang susi?

"Binigay po ni Vicki..."

So, Lolit asked kung ibig bang sabihin ni Hayden, Vicki conspired with his friends na mga kaaway mo?

"Kaaway ko po dahil kasalanan ko..."

Anong kasalanan yun?

"Hindi ko po puwedeng sabihin, secret po..."

Sa kabila ng lahat ng kontrobersiya sa kanila ni Dra. Belo, may balitang dumalaw raw kay Hayden sa bahay nila ang doktora noong Christmas eve. Totoo ba?

"Kasi yung mom ko at saka si Vicks, very close. At saka, may binili kaming aso na parang anak namin. Si Sheldon po," sabay ngang may nag-abot ng aso kay Hayden during the interview.

Ayon kay Lolit na very close sa doktora. May ebidensiya raw si Vicki Belo. So, ano raw ang totoo, the words of Vicki o ang sinasabi ni Hayden?

"Manay, ang ebidensiya po ni Vicki yung mga kaibigan ko na nagsabi sa kanya. Kinuwento lang po sa kanya."

KATRINA'S MESSAGE TO HIM. Si Katrina Halili naman na hindi itinanggi ang involvement sa kanya ay di nagustuhan ang sinabi noon ni Hayden na "for fun" lang ang nangyari sa kanila. Never daw na-involve ang dalagang taga-Palawan sa isang lalaki ng hindi seryoso.

"Ang ibig ko naman pong sabihin ay bilang lalaki po, you get involved pero parang ang nasa isip mo, eventually, magkakahiwalay rin naman kayo. Hindi siya tama [the relationship with Katrina] kaya nga po inaamin kong mali."

Kinuhanan naman ng Startalk hosts ng reaksyon si Hayden sa sinabi ni Katrina na magaling daw magdrama si Hayden at sa mensahe nito sa kanya na, kung gusto niyang magmalinis, ayusin niya ang sarili niya at huwag na siyang idamay.

"Hindi naman ako...number one, hindi po ako nagmamalinis dahil inaamin ko po ang kasalanan ko. Pangalawa, inaayos ko na po ang buhay ko."

Nagkausap na ba sila ni Katrina?

"Hindi po...galit siya sa akin. Feeling ko dahil nabanggit ko ang pangalan niya. Sa akin naman, dalawa naman kasi kaming nagkamali."

LESSONS. Ano ang natutunan niya sa lahat ng ito?

"Una, sa mga ka-generation ko, kung hindi pa kayong pumasok sa relationship na seryoso, lalo na kung seryoso yung babae, huwag kayong pumasok doon 'tapos maglalaro lang kayo. Kung gusto n'yong maglaro, doon kayo sa gusto rin maglaro.

"Number two, natutunan ko kung paano tunay na magmahal. After na...after na.. At saka, kung gaano kasakit, kung gaano kasama, kababoy ang ginawa ko. Hindi lang kay Vicks kundi sa mga babae in general.

"At pangatlo po, kung buhay pa po ang mga magulang nyo, your mom, your dad, kilalanin nyo. Kasi, kapag nagkaproblema kayo, sila rin ang magiging kakampi nyo, wala nang iba."

SAYING SORRY AGAIN. Again, nag-sorry nga si Hayden kay Katrina.

"Katrina, I'm sorry...nadawit pa ang pangalan mo. Hindi ko sinasadya, especially this is my second chance. I hope okey ka lang. I hope we can fix all the things that happened because of me, because of my foolishness. I wish you all the luck, with your career and sana hindi maapektuhan ang career mo.

"Sa mommy mo, Tita, sorry rin po...hindi na mauulit."

Kay Vicki?

"I know it's getting very hard for you to accept me even as a friend. But really, after this, sana mapatawad mo ko. I'll do my best to win you back, but if not, let's be friends. I hope, hindi rin masyadong naapektuhan ang family mo, mga friends mo ng mga kalokohan ko.

"And you, especially, I'm very worried about you kasi, ang sakit ng nagawa ko. I hope, you'll find comfort with God, your family, your friends. My friends are also there for you. I'm really sorry. And I love you."

Noong January 1 naman, sa guesting ni Hayden sa "Kontrapelo" ng Eat Bulaga!, nakapagbitiw raw ito ng salita na hindi na magso-showbiz. Gayundin kay Lolit. Instead, mag-aaral na lang daw ito.

0 Comments: