Sunday, January 4, 2009

Katrina Halili to Doc Hayden: "Kung gusto mong maglinis, ayusin ang buhay mo, huwag mo na ‘kong idawit dito."

Katrina Halili to Doc Hayden: "Kung gusto mong maglinis, ayusin ang buhay mo, huwag mo na ‘kong idawit dito."

Sa Startalk, kahapon, nakapanayam nga ng exclusive ni Ricky Lo ang maituturing na isa sa pinaka-controversial na young actress bago mag-end ang 2008 dahil sa pagkakasangkot niya sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.

INTRIGUE-FILLED CHRISTMAS. Unang naging tanong nga ni Ricky kay Katrina ay kung paano raw siya nag-celebrate ng Pasko na punung-puno ng intriga.

"Siyempre Paskong-pasko po noong sinabi ni Doc Hayden, di ba? Para sa akin, regalo po sa akin yun, e."

In what sense, Ricky asked?



"E, kasi, yun po ang pinaka-fear ko talaga sa buhay ko. Yun na ang pinakamasama kong ginawa sa buhay ko na kinakatakutan kong lumabas. So, lumabas na siya."

Anong ibig sabihin ng pagkakamaling yun?

"Yun po...yung ginawa ko. Alam ko pong mali yun. Pero, gusto ko lang pong i-clear yung ‘for fun' kasi. Ako, never akong pumasok sa isang relasyon na hindi ako seryoso.

"Ang mali ko po, na-in love po ako. Na-in love po ako sa maling tao."

Sa kabila raw ng mga ngiti ni Katrina, halatang may kurot naman daw sa kanyang puso ang naturang isyu. Ricky also asked kung naapektuhan daw ba ng isyung ito ang boyfriend naman niyang si Kris Lawrence.

"Well, sinabi ko, di ba po, hindi affected ang pamilya ko? Pero, kung patuloy po yung ginagawa niya po, siyempre po, kahit papaano po, naapektuhan na po yung family ko. Kung ako po, hindi po ako naapektuhan, pero, siyempre po, palaki na po nang palaki ang isyu.

"Pero sa side ko, alam naman po nila kung ano ang totoong nangyari. Ang pagkakamali ko lang po, na-in love po ako sa maling tao. Pero yung ‘for fun,' hindi po yun totoo."

THERE WERE OTHERS. Ayon kay Katrina, ang hindi lang daw niya matanggap ay ang madiin siya sa isang kasalanan na hindi lang naman daw siya ang gumawa.

"Well, hindi na po ako magbabanggit kung sinuman ang ibang babaeng yun dahil marami po. Maraming-marami at hindi na lang po ako magbabanggit dahil ayoko pong maghugas ng kamay ko. Wala naman po akong dapat patunayan. Inaamin ko naman po ang kasalanan ko, na-in love po ako at matagal na naman po akong wala sa picture nang maghiwalay sila.

"Siguro mga February, March pa po yun tapos."

Matagal ba ang nagging relationship nila ni Doc Hayden?

"Short lang po...actually, medyo humaba-haba lang po nang konti, nagte-text na lang kami. Hindi na kami masyadong nagkikita kasi, masyado pong madrama ang taong yun. Magaling pong magsalita."

At muli ngang nanindigan si Katrina ukol sa pagkakaroon nito ng sex video.

"Wala naman po talaga. Wala po akong sex video. Napakabastos ko naman po kung gagawa po ako ng ganoon. Hindi ko naman po gagawin yung mga ganoong bagay."

Gusto rin isipin ni Katrina na after her private talk with Dra. Belo, she and the beauty doctor are still in good terms. Tinanong din ni Ricky kung sa pag-uusap daw ba nila ni Dra. Belo ay may sampalan na nangyari?

"Ay, wala, wala pong ganoong nangyari. At saka, lilinawin ko po na never po akong nag-deny simula nang lumabas yung isyu. At kung titingnan n'yo po ang interview n'yo sa akin, sinabi ko po na nagkausap na po kami ni Dra. Belo.

"Ayoko lang pong magsalita kasi, ayoko nang pahabain pa."

Bilang endorser ng Belo Medical Group, totoo bang ibinaba na raw ang mga billboards niya?

"Actually, idiniscuss po ‘yan ni Dra. Belo na aalisin na po ang mga billboards. Sinabi po ni Dra. Belo na may tatanggalin po siya dahil kailangan na pong palitan pero, meron pa rin pong iiwan."

Pero mananatili pa rin ba siyang endorser ng Belo Medical Group?

"Ay, hindi po natin alam. Siyempre, may mga nagbabagong istorya."

MESSAGE TO HAYDEN AND DRA. BELO. Bilang pagtatapos, si Katrina na mismo ang hayagang nagsabi na may message raw siya para kay Hayden.

"May message nga po pala ‘ko. Kahit hindi n'yo pa ‘ko natatanong baka kasi makalimutan ko. Ang message ko po kay Doc Hayden: Kung gusto mong maglinis, ayusin ang buhay mo, huwag mo na ‘kong idawit dito. Tutal nasabi mo na, alam na ng maraming-maraming tao. Alam na ng lahat ng tao kung ano yung nangyari. Tama na. Sarili mo na lang ang ayusin mo at tigilan mo na ang pagdawit sa pangalan ko."

Her message to Dra. Belo?

"Kay Dra. Belo, sorry po kung ano...tao lang naman po ako, nagkakamali rin po ako. Ayoko nang mag-message, naiiyak lang ako," hinto ni Katrina.

"Well, yun nga po, alam ko ang pagkakamali ko. Siyempre, nagmahal po ako sa maling tao, yun lang ang pagkakamali ko. I'm sorry po, yun lang. Ayoko nang magsalita. Tama na. Pareho lang naman po kami. Biktima lang din naman po ako."

0 Comments: