Nagdaos ng party para sa kanyang mga kababayan sa lugar nila sa Iloilo City si Sunshine Dizon noong December 27. Ang party ay para na rin sa bago nilang bahay na pinagkaabalahan niyang ipagawa nitong mga nakaraang taon. Pero ayon kay Sunshine, originally ay ancestral house daw nila ito na pinapa-renovate niya lang noon.
"Ito kasi talaga ang ancestral house namin. Pero we decided na a few years back, pinagiba ko. Nagpagawa kami ng bago. Alam n'yo, malaki siya kung sa malaki, but it's like yung old house style na konti lang ang kuwarto, ang laki-laki ng sala. So, ngayon lang, naisip na lang namin na magpakain na lang sa mga kids para everybody happy, di ba?
"New Year nga, so, share naman whatever you can," sabi pa ni Sunshine sa interview sa kanya ng Startalk kahapon, January 3.
May mga nagsasabi na paghahanda na raw yun sa napipintong pagsabak ni Sunshine sa pulitika.
"If I really decide on going to politics, siyempre, where would I serve? I'll serve my kababayan. Dito na siguro. Walang masyadong buhay, pero, isa na siguro yun sa mga pangarap. Siyempre, mahirap yung bigla ka na lang tatakbo. Wala kang background. Wala kang alam, di ba? Especially, magulo ang pulitika, so, it's better to have experience na maganda."
As for now, Sunshine is just enjoying herself, lalo pa nga raw at marami siyang plano ngayong 2009.
"They can expect, of course, All About Eve. At sa movie, ‘yung Sundo. Actually, natapos na namin. It's with Robin Padilla. And hopefully, by March, I can continue my studies, doon nga sa culinary ko and we'll see from there."
Tinanong din ng Startalk si Sunshine tungkol sa hiwalayang Dingdong Dantes at Karylle na pareho raw malapit sa kanya. Pero, hands-off daw siya rito.
"Yung between them, K and Dong, ano na lang nila yun, it's their personal thing. We'll just support them with whatever they decide on. And you know, whatever they wish on doing with their lives."
What about her personal happiness, magkakaroon na raw kaya ito ng puwang ngayong 2009?
"I'm not looking for it. But if it will come, it will come. Pero, I suppose, you should not be looking for love. Minsan kapag hinahanap mo, mali ang nakikita mo, e. So, hintayin mo na lang kung ano ang darating. Kapag kinatok ka na niyan, hindi mo na alam kung ano ang masasabi mo.
"Sabi nga ng mommy ko, kapag dumating ‘yan, para ‘yang ulan! So, siguro, hindi pa dumarating ang bagyo ko! Ha-ha-ha!"
0 Comments:
Post a Comment